September 15, 2006

institutionalization of unaccountability

"no other official in memory had invoked such a provision 'institutionalizing the unaccountability' of public officials"
-Sen Gordon

ano na'ng nangyayari sa pilipinas? kakabasa ko lang nitong article sa Inq tungkol sa detention ni PCGG Chair Camilo Sabio at ang gyera (na naman) sa Senado. okay, hindi ko alam ang nangyayari at hindi rin ako ganon ka-pamilyar sa batas.

bias ang opinyong ito, nakatrabaho ko ang anak ng PCGG Chair at mataas ang respeto ko sa kanya. naipakilala rin ako sa tatay nang minsang pumunta sila sa GSIS Bldg no'ng mag-defend sila ng budget.

alam ng lahat ang reputasyon ng ilang mga senador- partikular ng ilang tumanda na sa institusyon- yaong tumatakbo sa eleksyon at nakikihalubilo sa pulitika para magpa-ikot ng batas.

siguro mabibilang na lang sa daliri ang matitinong tao sa gobyerno at sa tingin ko kasama ro'n si Atty Sabio.

kung nasa committee hearing ako nang banggitin ni Senador Gordon ang quote sa taas, mapapangiti siguro ako- sa paghanga sa mga kakaunting natitirang may prinsipyo sa palasyo ng burak. pero kung susuklian ang prinsipyo ng opresyon, aba e, angil na ang katapat n'yan. (at prente pa lang 'yon)

No comments: