yung aking long-lost Am friendlalu na nakilala sa roundtable discussion tungkol sa student coop housing no'ng panahong ako'y nasa konseho ay nagpa-sense ulit!
aba, at nasa ulaanbatar ngayon, ang galing! nagtatayo ng low-cost housing at namamahala sa small business development program do'n. mahusay na ehemplo.
hmm, kaaliw. naalala pa n'ya 'ko. limang taon na yun! naitabi pa kaya n'ya 'yung omiyage na ibibigay n'ya sana sa akin kung nabasa ko agad ang email n'ya nang bumalik s'ya sa pinas no'ng 2003 [o 2002 ba 'yon?] at nagkita kami? hehe.
at, ang litrato namin, buhay pa kaya? wala pa akong kopya no'n! ano na kayang hitsura nya. limang taon lang din ba ang tanda n'ya sa akin? hindi ko na masyadong matandaan. makakadaan kaya s'ya rito bago s'ya mag-china o europa? baka hindi ko na s'ya makilala. hahaha!
at, ang isa pang friend[ster] :P ang tomomi-san na palagi akong natutuwang patawanin ay habol to the max para makuha ang email add ng lola mo. feeling starla akris! hahaha.
mga kwelang balitang vekla kahit sinimulan ang klase ni sensei ng: holiday ngayong araw (Sports Day - pag-alala sa Tokyo Olympics 62taon na ang nakararaan) pero walang bakasyon sa ritsumeikan. at kahit hindi kunektado sa klase ay binanggit ang 1st Nuclear Arms Test ng North Korea halatang banas na banas! zanen!
bueno, sana ay may magandang bukas pang harapin ang asya at ang mundo. maghanap tayo ng mga kaibigan, at di mga kaaway, ne.
kay simple? ching!
No comments:
Post a Comment