November 02, 2006

nakakaaliw

yung research topic ng isang graduating student sa RP: Valuation of scientific discoveries. Medyo problematic pa ang framework pero nakakatuwa ang idea. Gaano ba kahalaga ang scientific discoveries? Sino ang nagtatakda ng value nito? Monetary price ang panukat ng researcher at may binabanggit s’ya tungkol sa discrepancy sa halagang itinatakda ng scientist (supplier) at ng consumers. Hindi s’ya nagbigay ng definition ng consumers. Weird. Hindi ba importante 'yon? Ang consumer ba ay buyer? (usaping patent) O end-user? Tapos sumulpot ang isyu tungkol sa basic science at applied science. Interesting. Kung nabubuhay tayo sa panahon ni Newton, ano’ng halaga ng pagkatuklas n’ya tungkol sa “Three Laws of Motion?” O ng E=mc² ni Einstein? 10 million Swedish kronor?

Kung may presyo ang lahat ng bagay, abstract o hindi, natural 'yung may buying power lang ang makikinabang no'n. Hmm... Mabuti pa sa planeta ko, lahat ay libre.

No comments: