sa sitwasyong tumawag-ako-tinanggap-mo-ang-tawag-ano-na-ang-importanteng-sasabihin-mo?
at natigilan ako dahil wala namang ganon ka-seryosong bagay tayong dapat pag-usapan
at gusto ko lang talagang marinig ang boses mo, siguraduhing maayos ang lahat.
kay laking sagabal sa masalimuot na buhay?
kakatwa, bumalik na naman tayo sa likod ng pila, ang daming singit at hinayaan natin.
lalong lumalawak ang distansya sa ating pagitan. napagod na akong magtanong kung kailan tayo magtatagpo, hindi naman nasasagot. wari ko'y gayon ka rin.
hindi makausad. at bakit parang lumilihis ang daan?
ipaalala mo sa akin kung nasaan na tayo: madali akong makalimot at mabuway ang pangarap na walang matibay na pundasyon.
No comments:
Post a Comment