
At walang mahabang paalamanan. Sa mga mae-eksenang tagpo, nasanay na magbitiw ng isang pampa-hagalpak. Iwas-drama. Ni walang yakap. Walang nababanggit subalit ipinagpapalagay kong gayon namin gustong maghiwalay- hangga’t magkita kaming muli pag-uwi ko sa Oktubre. Hindi naman kailangan ng emosyonal na linya sapagkat may komunikasyon naman kami parati at hinding-hindi namin hahayaang mapalampas ang mga kwento nang hindi naibabahagi sa isa’t isa- may kwenta man o wala. That’s how we defy distance, ‘ika nga po. Tulungan Niyo po kami. Tatlo na lang po kaming magkakapatid at kailangang-kailangan po namin ang isa’t isa.
Walang luha. Kanina. Ngunit sa aking pag-akyat, at habang naglilitanya sa Inyo, ni hindi ko maaninaw ang mga letra sa aking pagtipa. Hindi ko napigilan ang agos.
Mag-isa na naman po ako sa aking kwarto. Muli akong mabibingi sa katahimikan. Samantalang noong nandito siya ay hindi ako magkamayaw sa pagsita sa kanya. Pasaway si ate, hehe.
Kayo na po ang bahala sa kanya. Nawa’y ligtas po siyang makauwi sa aming bunso. Marami pong salamat.
Dinownload niya para sa akin yung kanta ng Faith No More- Easy, na paborito namin since highschool. At yung “The Trick is to Keep Breathing” ng Garbage. Sweet. ‘yung mga hindi masabi, dinadaan na lang sa kanta. Ah, kailangan kong panoorin ulit ang “Finding Nemo” at magpractice mag-whale talk. Therapy ko ‘yon. Panlabas ng mga angas. Turo niya sa akin.
No comments:
Post a Comment