January 20, 2007

kay-ganda ng pader!*


ano ang nasa dako pa roon?
ano kaya'ng iniisip niya?
parang di ako sanay makita siyang nage-emote masyado.
huwag kang mag-alala ate,
pasasaan ba't maayos din ang lahat.
***
binabalikan ko itong mga naka-save kong mga litrato
matagal-tagal na rin akong hindi nakaka-capture
ng magagandang eksena sa labas
nami-miss ko na ang aking camera
hindi ko pa pala nababanggit
sa taong dapat kong pasalamatan
kung paano niya binago ang pananaw ko
hinggil sa singing
este, sining pala, haha
hay, tunay nga!
minsan sapat na sa aking tumingin sa isang larawan
samu't sari nang emosyon at ideya ang naglalabasan
kadalasan, hindi ko naa-appreciate ang mga captions
nakakasagka kasi sa gamilyong konseptong dulot ng isang kuha.
*pasintabi sa iyo, wala akong intensyong manlait

No comments: