(can’t be any happier)
Today’s been a long one. Fukuda sensei invited us to her house. She lives by herself. She divorced his husband a short time after they got married. No child. She’s 71 years old. But I never would have guessed her age. She looks 50-yish to me, Philippine standards.
She threw a party for us. I don’t know exactly why. All the clue I’ve got is that in our NGO class, she would always apologize for her lack of knowledge about the very subject she’s teaching. The information she has about NGO are from her readings. See, she used to work for the United Nations as a librarian. Hahaha. And yeah, she has plenty of friends who are into development work. She generously shared their stories to us- kept us awake most of the time.
In her class, we would always argue about development (and all its complications), trade, world economic order, ODA, etc.
***
Dito palaging nag-iinit ang ulo ko at palagi akong nagko-complain sa kaibigan kong si Jenny tuwing manananghalian kami sa shokudo pagkatapos ng klase kung paano nasasayang ang oras ko dahil wala naman akong importanteng natututunan sa klase niya. At pakiramdam ko ay nagiging spokesperson ako sa tuwing may debate hinggil sa ‘sitwasyon sa developing countries’ at may mga hindi-magandang-pakinggang komento tulad ng “you’re poor because you’re lazy.”
Palaging tumataas ang presyon ng dugo ko pagkatapos ng klase. Hindi ko mapigilang manumbat kung bakit gano’n ang kalagayan sa tinatawag nilang ‘third world.’ Gaano kami katanga para ibenta halimbawa sa Hidden Spring na pag-aari ng Coca Cola Bottlers Corp. ang isang bukal sa Cagayan na tanging pinagkukunan ng maiinom ng mga taga-roon at ngayo’y magreklamo dahil walang mainom ang mga tao at mas mahal pa ang de-boteng tubig kesa sa gas? O kung bakit namin hinayaang bumulwak ang imported na sasakyang gawa ng Toyota (i.e. Tamaraw FX) at hayaang mamatay ang Sarao? Bakit nga ba hindi matipon ang exploited class at bakit hindi mawalan ng kakuntsaba ang mapagsamantala? Mayroon bang consent ang mukhang walang katapusang pang-aapi sa amin?
Hay.
Dito ko rin nakasagutan ang Brittish-Canadian kong classmate na suma-sideline bilang English teacher at model para sa Manchester United. Walastik! All the while I thought racism’s been exterminated with the advent of reason. Well, apparently, kahit na sa mga inaakala nating abanteng mag-isip may bakas pa rin ng backwardness. Arogante!
Ano’ng tingin niya sa sarili niya, hari? Diyos? Ano’ng nakikita niya kapag nakakasalamuha niya ang mga taga-‘third world?’ Mga batang lumalangoy sa kanal? O mga pulubing nabubuhay sa bundok ng basura?
Putris, pilit kaming pinalalangoy sa agos ng globalisasyon. Matagal na naming ipinagkakamali ang burak sa gitno. At ayaw kumawala ng mga lider naming puros artistahin sa gagaling umarte sa gapos ng mga among mananakop.
Dahan-dahan kaming pinapatay. Mabuti’t naka-alpas ang ilan nang dahil sa “sarili nilang sikap.” Nakatulong ba ang kawalan ng pag-asa? (Ito ba ay pag-amin ng desperasyon?)
Ang sariwang hangin sa ibang lupain ang ngayo’y nagbibigay-buhay sa naghihingalong bayan. Hanggang kailan?
Hanggang maubos ang sushi sa lamesa?
***
Tatlong bandehado ang nakahanda, hindi naman gasinong marami. Kaya lang, bundat na kaming lahat sa isang basong rose wine, crackers with sour cream, tig-iisang platong chicken curry, roast beef, salad, oyster, apat na klaseng cake, ilang bandehadong strawberries at peeled oranges, at may tsumami pa. Natatakot na nga ang ilang uminom ng tsaa. Baka kung saan na humantong ang isa pang tasa.
Kinailangan na ngang magpakulo ng programa ng mahusay na “Pinoy entertainer-JDS fellow-” presentation mula sa representatives ng mga bansang nando’n. Hala, iwagayway ang mga bandila.
At nagpa-game pa. Kung sino ang matalo ay kakain ng natitira pang handa. Hahaha. How creative! Shagidi-shagidi-shapopo. Shagidi-shagidi-shapopo. Pati si sensei nakisali. Ang matalo out sa game at ‘responsable’ sa mikan at isang strawberry. (Walang pumayag sa tatlong sushi kaya prutas na lang ang pinatos.) Ang sakit po sa tiyan, parang puputok na. Na-out ako dahil di ko ma-sense ang move ni sensei. Waaah! Siya ang nasa kanan ko!
Walong oras! Walong oras inabot ang kain-laro-konting pahinga-kain-kwento-kain-kain-kain! Hanggang napilit ang nihonjin na kainin ang natitira pang anim na sushi. Yebah! Makakauwi na rin, sa wakas.
***
Grabe ‘yon. Sumakit ang ulo ko sa kaka-lafung. Tinaob ang lahat ng tabehodai experience ko. Sakit sa tiyan. Nahilo ako sa kakakain.
Eight hours! Pagkatapos, nagsibalik ang lahat sa Kyoto (maliban sa tumapos sa sushi at nag-prepare ng salad). Nagawa pa naming mag-Starbucks! Hahaha!
May ibang espasyo para sa nomimono? Weeee!
Gluttony! Nakris, deadly sin. Tsk.
***
Madali akong ma-guilty. At sa buong panahong nasa bahay ako ni sensei ay hindi ako nilubayan ng aking konsensya: “Ang titser mong ‘yan na forever mong ino-okray ang siyang nagpapabundat sa iyo ngayon. Tingnan mo ‘yan. Masaya na raw siyang makita kayong nasisiyahan. Ang trabaho ninyo sa bahay niya sa sandaling iyon sabi niya ay magpakasaya at kumain. Laking tuwa na niyang makasama kayong di magkanda-mayaw sa galak. Gaano kabait ‘yan? Walang pag-iimbot. Sige nga, sinong prof mo ang nag-invite sa bahay niya, nagpakain, nakihalo sa mga baliw-baliwang games at talagang nagpakita ng sinseridad na makapag-pasaya ng mga estudyante from developing nations? Hindi lang ‘yan, nilibre pa nga niya kayo ng lunch minsan after class, hindi ba? Para lang maka-usap kayo at mas makilala? Binigyan pa kayong lahat na estudyante niya ng regalo no’ng pasko. Gaano kabait ‘yang nilalapastangan mo? Umayos ka, ha? Bumawi ka, ha?”
Hindi ko masagot ang sarili kong kunsensya. Wari’y walang ibang tamang tugon kundi: Malutong na OPO.
Babawi na nga pero nasabi na ang nasabi na. Mabuti nama’t kahit papa’no siguro’y naliwanagan din sila. Marahas ang paraan at may guilt na pinapasan pero totoo naman ang nabanggit at dapat panindigan. Ayos na ‘yon. Balitaan mo na lang siya ng mga nangyayari sa third world para may interesting siyang ma-share sa klase niya next year. Para naman mas enlightend na ang views na ipe-present niya sa class. That’s how you make amends, ne? Effect na yan.
***
May part doon sa party na lahat ng tao ay “kailangang mag-share ng istorya” tungkol sa kung anuman. Ang katabi kong si Khaito san from Uzbekistan ay may dalang litrato ng kanyang asawang pinakasalan niya after five years of engagement. Mukha pong manyika ang asawa niya. They’re expecting a baby. This June due ang wife. At made in Japan ang kanilang first born. Hehe. Sugoi!
Ang kaibigan kong si Jenny naman ay may dala ring picture ng kanyang hubby- kasal nila ni Ryuji san. Nagkakilala sila sa Deutschland- exchange student si Ryuji at nag-stay sa Germany for 8 months. Naging sila no’ng panahong ‘yon. Tapos bumalik sa Japan ang Ryuji. They were separated for 3 years dahil si Jenny ay kung saan-saang bansa nagpunta- ang natatandaan ko lang ay Egypt. But she’s also been to some African countries to do volunteer development work. Tapos nagpunta siya sa Japan para mag-aral samantalang nagtatrabaho naman si Ryuji. Ga-graduate na si Jenny this term at pupuntang Mali for her internship. She will be back in Japan in August then they’ll go to Germany together and settle there. Wow.
Ito pa. Interesting. Mga istorya ng mga fellows from Cambodia.
Ang sabi ni Theary, ang kaisa-isang babae, sa Cambodia, uso pa rin ang arranged marriages. At ang kanyang mudra ay nagpropose ng marriage sa isang lalaki sa kanila. Ang test niya ay ang resulta ng application niya para sa scholarship [na ito] sa Japan: kung hindi palarin, papayag siya sa arrangement. Kung makuha, gomenasai sa future partner at sa mother. Well, she’s here.
Dugtong naman ni Tra san 9ang kwelang Cambodian na forever naming kasama bago dumating ang kanyang wife nitong Enero), ang marriage nila ng kanyang wife ay hindi arranged. He married her because he loves him. Wow! Ang lutong pa kamo ng pagkakasabi niya. So in-love ang lolo. Magkakilala na sila since college. Rich kid ang girl, poor boylet ang Tra san. Iginapang siya ng nanay niya na nagtrabahong mananahi para suportahan silang magkakapatid. Dahil siya ang “may-utak at tanging pag-asa para maka-ahon sila sa buhay,” pinag-enrol sa exclusive university for the sons and daughters of gods. Doon na nagsimula ang kanilang romance ng kanyang wife. Two years na raw silang kasal pero feeling ko feeling nitong si Tra kahapon lang sila nag-“I do.” Hahaha. Sweet!
Si Kol naman. (The gangster, hehe. Idol.) Limang taong niligawan ang kanyang wife- Walang kasiguruhan kung sasagutin siya. Sumugal. Sigurado raw siya sa sarili niyang ang nililigawan niya ay ang kanyang ‘destiny.’ Couldn’t-let-her-go-kung-hindi-siya-wala-na mode. Wow! Bilib talaga ako sa taong ito. Matiyaga. Hindi sumusuko. Astig! Well, natamo niya ang biyaya. Sabi nga nila, “Walang matimtimang birhen sa taimtim manalangin.” True naman. Who would not fall for a guy like Kol, di ba? Hehe.
***
May bago siyang tinuro sa akin. Sana pala nililista ko rin ang mga quotable-quotes niya. Pakiramdam ko tatay ko ang nagsasalita kapag kausap ko siya.
Masayahin. Malalim. Ma-kwento. Palabiro. Humble!!!
Hindi ko akalaing nakatira pala ang kanyang grandfather sa Palasyo ng Hari ng Cambodia noon- one of the first two doctors in Cambodia, the King’s personal medic. Siya namang apo ay well-learned. HRH din, hehe. He’s been to many countries. He used to work for the UN. Hindi nawawalan ng insight sa kung anumang pinag-uusapan. No dull moment with him. Pero hindi lang siya intelektwal. Marami siyang mas nakahihigit na katangian. Siya ‘yung taong igagalang talaga hindi lang dahil maraming alam o magaling mangatwiran kung hindi dahil sa mas importanteng dahilan na makatao, mapagkumbaba, hindi makasarili.
Sa lahat ng nakilala ko so far, mabibilang sa daliri ng isang kamay ang tulad niya. Mahusay na tao! Kakabilib.
Three years older. Father of two.
Kaya kong ipinta ang hitsura niya kasama ang kanyang asawa’t dalawang anak.
Sabay os toas!
***
Kanae
Junsuke
Okada
Yuriko
No comments:
Post a Comment