May 15, 2007


Eleksyon na.

Hindi ako nakaboto kahapon pero hindi rin naman ako nawalan ng partisipasyon sa signipikanteng pangyayaring ito. Tumulong ako sa pagbibilang ng boto.

Kapuyatan. Magdamag ang bilangan.

Alas otso ng gabi akong nakarating sa Consulate. Nauna na ang mga kasamang galing Nagoya. Lima lang daw ang maaring bigyan ng titulo-opisyal sa mga “concerned citizens” na nagpunta upang magbantay ng bilangan kaya sagigilid ang lola.

Walang problema, gusto ko lang namang magmatyag para malaman kung “ano’ng nangyayari sa field.” Ibang karanasan ang hatid sa akin nitong pagiging concerned citizen kong ito. Haha.

Grabedad. Kung hindi nagpunta ang mga “concerned citizens” galing Nagoya, walang magtyatyagang magbantay ng mga boto- mga consular officials lang ang nando’n.

Hmm… Bakit nga ba kami nagtyaga ro’n? Parang wala kaming ibang pinagkaka-abalahan. Tsk.

Kakaunti ang bumoto. Mahigit 200,000 ang mga Pinoy na nandito sa Jp. Ayon kay Madam Congen, 3,779 lang daw ang nag-rehistro. Sa mga ipinadala nilang balota, mga 25% ang hindi nakarating sa mga nag-rehistro (returned to the consulate) dahil siguro lumipat na ng tirahan or incomplete ang address ng botante. Sa 75% namang balotang nakarating sa mga botante, 611 lang ang nakabalik sa consulate- ito ang total votes cast. Labing isa rito ang invalid at 3 ang spoiled ballots. Kaya, sa kabuuan, 597 lang ang mga botong bibilangin para sa buong Western Region ng Japan na saklaw ng konsulada sa Osaka- (hindi lang Kansai) kasama ang Hiroshima at Nagasaki. (Ang Eastern Region naman ay sakop ng Embahada sa Tokyo, sakop nito hanggang Hokkaido.)

Nakakagulat ang mga numero. Parang directly proportional ang pisikal na distansya ng mga pinoy sa pinas sa interes nila sa pulitika rito. Hindi ko sila masisi. Siguro sensible namang isiping may kinalaman ito kung bakit sila napadpad sa kinaroroonan nila- kung bakit sila nasa Japan. (Yes, I’m being sarcastic.)

Anyways…

Sinikap kong maging jolly-ever habang binabasa ni consul ang mga nakasulat sa balota. Hindi ko mabilang kung naka-ilang baso ako ng kape para lang manatiling gising habang tina-tabulate naming ang mga boto. (I believe because of too much caffeine I found myself shaking in the morning.) I must confess na simula nang dumating ako rito sa Japan hindi ko pinuwersa ang sarili kong magising buong magdamag.

Mabusisi ang pagbibilang. Kailangang maging creative para manatili kaming dilat. Ina-anticipate naming ang mga boto ni Voctor Wood na para bang sa kanyang pagkapanalo nakasalalay ang pag-unlad ng Pilipinas. Kapag nakakapansin kami ng pattern, kapag nabanggit ang pangalan ni Richard Gomez, at sinundan ito ni Cesar Montano, may 30% probability na nando’n din ang pangalan ni Victor Wood. At lahat kami ay sisigaw ng, “YES! Victor Wood!!!” (Another Mister or Miss Lonely.)

At hindi ko naiwasang mapaisip kung ano ang batayan ng tao sa pagboto. Halos walang nag-straight party vote maliban sa natatanging sumuporta sa Kapatiran Party na kinabibilangan ng aking paboritong kandidatong si Dr. Martin Bautista. Anim yata sila.

Haay…

Pasado alas onse ng umaga na kaming natapos. Alas tres ng hapon naman akong nakauwi sa aking munting apartment.

Habang naglalakad sa Osaka Business Park, habang sakay sa tren at sa bus, dahil hindi ako naidlip, hindi ko naharangan ang nagsusumiksik sa isip kong pagtatasang overrated ang eleksyon.

Ano nga ba ang saysay ng demokrasya sa Pilipinas?

Ewan. Basahin ko na lang itong pasasalamat ni doc:

ELECTION'S OVER


The election is over. It is time to examine, and to both skeptics and sympathizers alike, explain my participation in it.


I gave up a flourishing medical practice in America, joined Kapatiran and ran for the Senate because I wanted not merely to prove a point, but to live by it.


And the point is this: we can change our country, help our people, not by talking or theorizing but by actually doing something about it. One cannot simply make a statement. He must apply it in his life, by example, by involvement, by action. Our political campaign was such a statement.


Did we succeed? We did not get enough votes for a seat in the senate. But we did get the attention of the electorate and, more importantly, we made people aware of alternative solutions, better political options.


We demonstrated that it is possible to conduct an open, honest, vigorous campaign on programs, not personalities.


We showed that there is no need for false promises, political gimmickry, immoderate spending; but that there is a need for continuing communication, defending and justifying our positions and priorities.


Our fundamental premise is this: Politics is not a means of livelihood. It is not an economic investment that will pay off in future material gain. Politics is a way of giving, of sharing, of helping. It is not soliciting support but providing it. It is not about rendering service in the senate when elected, but rendering service now, in the present, in this time and place, in one's capacity as a candidate, a citizen, a Filipino of compassion.


If we have, even in a small, tentative way, we have redefined politics in the Philippines, then we have been fully recompensed for our efforts. The accomplishments of our greatest heroes cannot be judged in the simplistic terms of triumph or defeat. Like Burgos, Gomez and Zamora, the Kapatiran candidates won no instant victory. But they achieved a beginning, advanced the cause for reform, and awakened a hope that such reform is possible.


A personal note of accountability. We received donations from many sectors of society. Added to our own private contribution to the campaign, the total amount exceeded our modest campaign expenses. The balance we shall turn over to Gawad Kalinga in accordance with our conviction that politics is not an enterprise for profit.


Finally I wish to extend my sincere appreciation to all the men and women of goodwill who stand with us in the common belief in a Filipino future. Maraming salamat sa inyong lahat.


Martin D. Bautista, MD

(Si Dr. Martin Bautista ay napanood ko sa isang clip sa youtube tungkol sa isang programa sa GMA 7 na nagbigay ng pagkakataon sa mga senatoriables na makilala ng mga tao. Bawat isa sa kanila ay binato ng isang katanungan mula sa mga kilalang personahe sa media. Ako ay labis na namangha sa kanyang sagot sa tanong ni Alecks Pabico hinggil sa kanyang posisyon sa pag-angkat ng murang gamot mula sa India- ang kanyang kapatid ay abugado ng malaking pharmaceutical company sa Pilipinas na tutol dito. Sabi ni Doc- kaya nating gumawa ng gamot, hindi natin kailangang mag-import sa India. Nandito ang link kung nais ninyong panoorin. Sayang base sa trend, olats siya. Balak ko pa namang mag-trabaho nang libre para sa kanya. Tsk.)

Sa mga interesado, heto nga pala ang tally ng boto para senador sa Western Jp:


Name Votes

Legarda, Loren 457
Pangilinan, Francis 448
Aquino, Benigno III 438
Recto, Ralph 374
Escudero, Francis 360
Villar, Manuel 331
Cayetano, Alan Peter 309
Lacson, Panfilo 295
Arroyo, Joker 278
Angara, Edgardo 277
Pimentel, Aquilino 263
Roco, Sonia 263
Sotto, Vicente III 239
Defensor, Michael 217
Zubiri, Juan Miguel 217
Honasan, Gregorio 201
Montano, Cesar 191
OsmeƱa, John Henry 183
Coseteng, Anna Dominique 179
Gomez, Richard 166
Trillanes, Antonio 162
Magsaysay, Vicente 158
Pichay, Prospero 95
Oreta, Teresa 87
Singson, Luis 69
Cayetano, Joselito 66
Wood, Victor 58
Bautista, Martin 54
Chavez, Melchor 46
Paredes, Zosimo 33
Sison, Adrian 26
Lozano, Oliver 19
Kiram, Jamalul 19
Estrella, Antonio 15
Cantal, Felix 14
Enciso, Ruben 12
Orpilla, Eduardo 8

No comments: