birthday niya ngayong feb 19.
:)
Dearest R****o,
Magandang araw! Kumusta ka? Sana ay nasa mabuti kang kalagayan gayundin ang iyong mga mahal sa buhay.
Ako si Ate N***, 28 taong gulang. Ulila na ako sa mga magulang. Mayroon akong dalawang kapatid- ang ate ko, si J****, ay 30 taon na. Ang akin namang bunsong kapatid na lalaki, si D*****, ay 18 taong gulang na.
Maraming salamat sa sulat mo sa akin nitong Enero. Natutuwa akong makatanggap ng sulat mula sa iyo. Sabik akong makarinig ng balita tungkol sa iyo, sa iyong pamilya, mga kaibigan at siyempre tungkol sa iyong pag-aaral.
Paborito mo palang kulay ang blue at puti. Nakakatuwa naman. Mapayapa ang ganoong mga kulay. Naalala ko tuloy ang dagat at ang maaliwalas na langit na punong-puno ng puting ulap. Ako naman ay mahilig sa kulay orange. J Tulad mo, paborito ko rin ang gulay. Mahilig ako sa kangkong at ampalaya. Mahusay ito sa katawan kaya sinisikap kong kumain ng maraming gulay araw-araw.
Humahanga ako sa mga batang kagaya mo na masigasig sa pag-aaral. Kahit na malayo ang paaralan mo mula sa bahay ninyo at kailangan mong maglakad ng dalawang kilometro, sana ay pag-ibayuhin mo pa ang iyong pagsusumikap. Nandirito ako para tulungan ka.
Palagi kang magdasal. Balitaan mo ako tungkol sa mga nangyayari sa iyo. Sisikapin ko rin naming makatugon nang maagap sa iyong mga liham.
Pagpalain ka!
Nagmamahal,
ako nga
:P
No comments:
Post a Comment