I received these jokes from a caring friend. Asteeg, never fails to send me messages everyday. Thoughtful! Mahusay na relief from daily stress.
Here:
Dalawang bungi, nag-aasaran.
Bungi 1: Ang ganda ng ngiping mo a. Parang exam, one seat apart.
Bungi 2: Iyong sa ‘yo rin a. Fill in the blanks.
Inday : Taba, pabili ng baboy.
Tindera: Hoy! Ayus-ayusin mo ang pananalita mo, ha!
Inday : Baboy, pabili ng taba.
Tao poooo! Saan nagtatrabaho ang mga uling?
Answer: Eh di sa coal center.
Successful Lawyer:Pedro, kada tanong ko na hindi mo masagot, bigyan
mo ako ng limang piso. Pero kada tanong mo na hindi ko masagot, limang libo ang ibibigay ko.
Pedro:Ok.
Successful Lawyer : Ilan ang isla ng Pilipinas?
Inabot ni Pedro ang limang piso.
Pedro : Ok. Ano ang hayop na may tatlong paa at pagkatapos
umakyat ng bundok ay apat na ang paa?
Successful Lawyer: (Nag-research nang todo pero hindi nasagot ang tanong.) Ayan ang limang libo. Ano ba ang sagot sa tanong mo?
Pedro: Inabot ang piso.
Ah, share ko lang din pala. I received two text messages from the same person. ‘yung isa nag-invite sa debut ni Edralyn sa Shangri-la that same afternoon. Hindi ko kilala si Edralyn kaya tinanong ko siya. Sabi ba naman sa akin, “Nova, it’s a joke. You need to scroll down and you’ll see at the end of the message nakalagay: ‘sino ba si edralyn. Hindi ko nga rin kilala e. haha.” So iyon ang punchline.
My friend forwarded the same message to a common friend. Our common friend went to Shangri-la! Said in a message: “I’m near Shangri-la. Saan ba ‘yon? Are you sure okay lang ako do’n?”
Hindi naka-respond agad ang friend source ng text message kasi nakatulog. The following day, all-apologies siya sa aming common friend. Hahaha.
That made my day.
***
Next day: My friend sent this message:
“Hi, bhe! Happy monthsary! Luv u…”
The lesson the day before was still fresh in my head so I scrolled down. Nakita ko ang punchline: “Haha. Gulat ka, ano? Shock nga din ako e. Pls pass sa iba para magulat din sila.”
My friend sent the same message to our common friend. Our common friend texted back: (name of my friend), si Atty. --- ito!
Hindi na naman siya nag-scroll down! Hahaha.
Iyon lang. Haha. Na-miss ko tuloy si Atty.---
No comments:
Post a Comment