April 01, 2008

Fitness First

Our mouths were filled with laughter, our tongues with songs of joy…. The Lord has done great things for us, and we are filled with joy.
Psalm 126:2-3

Fitness First

I joined in January, barely a week after the New Year. We were informed of the Sports-enthusiast senator negotiated-account offered to all Senate employees. The joining fee of Php 5,000.00 was waived and the monthly fee cut by 30%. There was a lock-in period of three months instead of the usual one year. Yihee. Mabuti at pinayagan akong mag-avail ng account na ‘to.

Mahusay, nae-experience ko na ang ganitong mga “luho.” Haha. Thirty minutes cardio everyday. minsan kapag maganda ang pakabas, lumalampas pa. nakapag-40 minutes na ako- no’ngmay naabutan akong magandang palabas sa tv. At no’ng nasa cinefit ako at pelikula nib en Affleck ang nakasalang, mahigit isang oras ako sa treadmill at stationary bike. Hahaha. Grabedad.

Nakakaaliw din. Ang intension ko lang naman ay mag-tone ng muscles at i-flatten ang aking abs. hindi ko pa naa-attain ang objective na ‘yon dahil kasabay ng aking ehersisyo ay ang pagiging mas Magana sa pagkain. Binabawi lang din. Pero ayos lang dahil ramdam ko naman ang improvement sa aking stamina at level ng energy. Asteeg.

Ang maganda pa, nae-enjoy ko rin ang mga group exercises. May body jam, body combat, yoga, pilates, hip-hop, latin, retro, belly dancing at kung anu-ano pa. Kaaliw.

Nitong nakaraang sabado sinubukan ko ang Gentle Flow Yoga. Namaste! Natuwa talaga ako. Meditation-mode, breathing exercise at stretching. Nakaka-relax at in fairness pinagpawisan ako ng todo. Papaano naman, susme, nanginginig ang mga kalamnan ko habang naka-warrior position at hino-hold ang stretch for 5 breathing counts. ‘Yung ilang mga katabi ko nga ay nagsisisuko at hindi na tinatapos ang class. Hahaha. For that achievement na talagang natapos ko ang aking gentle flow yoga on my first try. Plano ko next time ay mag-retro naman. Sayaw sayaw. Tapos belly dancing. Hehehe. Mahirap daw ang hiphop pero susubukan ko rin. Ayus!

Dati “home” lang ang account ko. For that sa Mall of Asia lang ako pwedeng mag-gym. Ngayon “passport” na ang account namin kaya pwede na kami kahit saang Fitness First branch maliban sa RCBC at Trinoma (na exclusive sa Platinum account holders).

Keri lang. ang habol ko lang naman ay makapag-gym sa Ortigas at/o Megamall. Malapit kasi sa bahay kaya convenient puntahan.

Isa pang ikinatutuwa ko sa Fitness First ay nakakapag-sauna ako. Ang liguan nila ay mayroong dry and wet sauna. For that, pagkatapos mag-exercise, nakakapag-detox naman ako sa sauna. Asteeg. Bonding moment din sa kung sino man ang kasabay kong-gym. Relax-relax, chika-chika.

Hay, the comforts of life. Medyo mahal pero sulit na rin. I-enjoy na lang. J Sarap maging Healthy!

Chika! hehe

No comments: