July 12, 2008

MA’AM CALLED ME “ANAK”

Nakalimutan ko na kung kailan iyong huling pagkakataon na tinawag akong anak. May naisulat na rin yata ako rito tungkol do’n. hindi ko alam kung bakit pero iba talaga ang dating sa akin ng tawag na ‘yon. Malambing sa tenga. Parang kapag tinawag akong “anak” o kaya “novs,” close na tayo. Hehe.

Teacher pala siya. Nakatabi ko sa bus papuntang laguna. Ka-edad siguro ni Mama si Ma’am. Inalok ko siya ng cassava chips na binili ko sa tindero sa bus- iyong umaakyat para mag-alok sa mga pasahero. Naengganyo kasi ako sa katapat kong babeng mukhang sarap na sarap sa paglantak ng binili niya sa mama. Kaya kahit hindi ako gutom, napabili rin ako. Matagal na akong naalok ng cassava chips ng mga tindero sa bus pero no’ng time na ‘yon lang ako na-engganyong bumili.

Masarap naman. Nakita rin siguro ni Ma’am na mukhang nagustuhan ko ang kinakain ko kaya’t magalang siyang tumanggi sa alok ko sa halip, bumili siya ng tatlong balot. Pasalubong niya rind aw sa mga apo niya.

Sisenta y uno na raw siya. Kaka-retire lang. nagtuturo siya sa isang private school dati bago siya lumipat sa public. Hataw si ma’am. Sa edad niya, malakas pa rin ang katawan. Banat siguro sa trabaho. Mukhang pa-banjing banjing na lang siya ngayon. Pero hayo’t pupunta ng bay, laguna para magturo ng caregiving. Hehehe. Asteeg! Ang mga taong masisipag talaga, hindi mapipilan sa pagtatrabaho. Hehehe. Sabi niya, no’ng tumuntong siya ng sisenta, nag-leave siya sa eskwelahang pinagtuturuan niya. Nagpaalam daw siya para magbakasyon naman. Pumunta raw siya ng states. Limang buwan siya ro’n. ginamit niya ang kanyang leave credits na hindi pwedeng i-monetize. Nakalimutan ko na kung ano ang tawag e. walastik. Rumaket ba naman para maging caregiver habang nagbabakasyon. Hahaha. Kumita pa siya. Pagbalik niya, ang dami niyang pera. Tapos nag-retire siya. Nakuha niya ang kanyang retirement benefits tapos nag-miyembro rin pala siya ng SSS. Kaya hindi lang siya sa GSIS makakakuha.

Ang bangis! Nakaka-inspire, dib a? may asawa kaya si ma’am? Hindi ko na natanong. Pero mukhang marami siyang anak.

Ang saya siguro ng buhay niya. Mukhang walang nasayang na oras.

PAGSANJAN ESCAPADE

Ang mga pagkakataon nga naman, ano? Kapag dumating, hindi talaga dapat palampasin. Naimbitahan ako ng aking sorority sister na taga-DOH na sumama sa kanilang network-building seminar sa Pagsanjan, Laguna. Aba, ayos! Ang ganda pala do’n. tapos malapit lang sa Manila kaya convenient puntahan. Ang dami palang magagandang lugar ditto sa Pinas na pwedeng i-explore e. saying hindi masyadong napupuntahan ng mga pinoy. Sana ma-promote ang turismo ditto. Saying kasi e. imbes na kung saan-saang bansa ang pinupuntahan natin, malaking boost sana sa local economy kung made-develop ang local tourism.

Masaya naming experience. Sumakay kami ng bangka papunta sa falls. Dalawang oras papunta, dalawang oras pabalik. Mabuti na lang at maaga kaming umalis kaya hindi pa kasagsagan ng init. Ang ganda-ganda ro’n. malinis ang ilog. Medyo ma-brown ang tubig kasi nag-uuulan nitong mga nakaraang araw. Pero sabi ng bangkero, kung summer daw at matining ang tubig, malinaw naman daw ‘yon.

Ang sarap do’n! payapa. Sarap kasama si rgb. Hehehe.

Balak ko ring isama ro’n sina ate at dondon. Next time. Pwede naman siyang day trip lang kaya sana maisingit sa aming sched.

STAND UP AND WALK, THOUGH YOUR KNEES ARE SHAKING

Hehe, natutuwa ako kay ate, ang aming panganay at ankla. Nagbabalak kasing mag-australia. Sa perth daw. Nando’n na kasi ang ilan niyang kasama sa trabaho. Kaya ayun, na-engganyo ring sumunod. Aba, mega pray ang aking ate. Humingi talaga siya ng sign kay Lord. Nang dumating ang sign, heto nama’t natatakot tumuloy. Parang hindi nga ako makapaniwala sa aming exchange the other day. Nakilala ko kasi siyang go-getter. Siya ang pinaka-matapang sa aming lahat. Sugod ‘yan at walang kiyeme. Malakas ang loob. Batangueña! Hehe. Pero ‘yun nga, natatakot siya sa pag-take ng risk sa kanyang matagal nang pinapangarap na pangingibang-bansa. Naintindihan ko naman siya. Naramdaman ko rin ‘yon bago ako umalis. Sabi ko nga no’n kay HRH, kapag hindi ako natuloy no’n maka-crush talaga ako’t baka hindi na ako makabangon. Hehe. Drama ever. (Isa ‘yon sa mga eksena sa buhay kong hindi na mabubura sa isip ko. Pati ‘yung mga sinabi niya. Hehe.) anyways, iyon nga. Si ate naman ngayon. Ako naman ang maiiwan. Sana everything works according to plan. (Lord, please…) Susunod na lang kami ni Dondon. Sana makapag-aral ulit ako.

Si ate… bilib talaga ako sa kanya. Tutuloy ‘yon. Iyon naman talaga ang gusto niya, matagal na. we’ve been through a lot at ngayon, pihadong lalong ma-strengthen ang faith no’n.

Matapos an gaming exchange, aba e, kumanta na lang. “…stand up and walk, though your knees are shaking…”

Napahagalpak ako e. hahaha.

No comments: