April 21, 2009

kwentong consuelo- April 20, 2009

Lunes na naman, at siyempre ako ay "coding." For that, maaga akong gumising sapagkat kailangan kong makarating sa Balai Kalinaw ng alas-otso ng umaga. But, No! Mahigit kalahating oras na akong nag-aabang ng taxi sa C5 pero kamalas-malasan, panay "may laman" ang mga taxi-ng dumadaan. Nang tingnan ko ang aking relos, 7:55 am na!!! Hay, no choice. Pinuntahan ko si Consuelo, at ako ay umariba papuntang UP. Sampung minuto ko lang tinakbo ang Ugong-Diliman. Hahaha. Nanginginig ako nang makarating sa Balai Kalinaw. Hindi ko mawari kung epekto iyon ng adrenalin o dahil tinablan ako ng kaba. Papaano, ang normal na byahe sana ay aabot ng trenta minutos. Salamat at safe naman ako.

No comments: