just this weekend, i went to my friend's sister's wake and a co-worker's funeral.
tsk. tsk. my friend's sister's at her prime, in her 40's. her hubby looked inconsolable. kalungkot. at ayoko nang alalahanin ang pangungulila rin namin sa mga namayapang mahal sa buhay. hay...
ung co-worker ko naman, mukhang umalis nang payapa. from the eulogies, mukhang he lived a full life. sadly, wala akong masyadong interaction sa kanya- maliban sa isang nakakatawang incident. hehe. tinatawagan ko sya sa cp nya, para sabihan syang huwag nang humabol sa sasakyan namin kasi hindi kami hihinto at may iba pa kaming lakad. hindi nya sinasagot ang tawag ko. later i found out na medyo mahina pala ang pandinig nya. haha! nakapag-apologize naman ako sa kanya tungkol do'n.
30 years yata ang age gap namin. dati syang konsehal ng bayan at mukhang mabuting ehemplo. natuwa na akong marinig ang mga testimonya ng pakikitungo nya sa kapwa. habang binabanggit kung gaano sya kahusay, naisip kong ang laki ng pagkukulang ko. kung kunin na kaya ako ni Lord ngayon, anu-ano kaya ang maaalala sa akin ng pamilya, kaibigan at mga kamag-anak ko?
handa na ba 'ko?
naku, Lord. sana magka-asawa't magka-anak muna ako bago nyo ko kunin, pls.
No comments:
Post a Comment