Paulit-ulit.
Alila y alipin ang taguri namin sa aming mga sarili, mga staff ni bb sen. Kaming mga staff ay magkakasundo at magkakakampi. Masaya at may respeto sa isa’t isa.
Sila ang mga taong tinuring ko nang mga life-long friends. Kahit hindi nagkikita, palagi kong inaalala ang mga pinagsamahan namin. Kaunting kumustahan at kwentuhan lang, saan man magkita, nanunumbalik ang init ng pagkakaibigan. Each memory is a source of joy.
Malaking konsiderasyon kung bakit hindi na ako bumalik sa dati kong principal ay dahil sa mga pinagdaanan naming mahirap i-tolerate na mga bagay-bagay (pero napagtyagaan dahil sa mga kasamang kaibigan).
Nakakatawa dahil matapos ang kalahating dekada, naroon na naman ako sa sitwasyong pinakaiwasan kong kasadlakan. Ngayon, bagong mga kaibigan ang kasama.
Kagabi ay Christmas Party pero ayoko nang alalahanin ang mga sakripisyo namin. Sapat nang sabihing natutuwa akong kasama ang dalawang mga batang kasamang naging dahilan kung bakit ito’y naging masayang alaala na lang.
Nag-struggle ako sa sarili ko para hind maging masyadong melancholic kahit na karakter ko talaga ‘yon. Hay… Ang turo ay maging masaya sa lahat ng pagkakataon. At, Pasko ngayon.
Kaya, hanggang kaninang umaga ay nag-iisip at nagbibilang ako ng mga biyayang kailangang ipagpasalamat.
Iyon nga, kasama ko ang dalawang maidadagdag ko sa aking mga life-long friends. At sobrang na-appreciate ko ang binili sa byaheng Mang Bok’s Lechong Manok. Hahaha… Nabawasan ako ng kalahating kilo kagabi. Mahimbing ang tulog ko sa sobrang pagod. Maaliwalas at malamig na ang simoy ng hangin. Kasama ko si Dondon kagabi. Wala kaming sakit. At mas umigting ang kagustuhan kong umalis ng bansa. Hahaha… “Follow your dreams!”
Kanina pinapanood ko si Julian Assange. Humanga ako sa tapang at tibay ng loob ng aktibistang tinutugas ng impe. Sabi n’ya:
“It is our task to find secret, abusive plans and expose them where they can be opposed before they are implemented... because if they are exposed by their implementation, by people’s suffering from that abuse, then the abuse has already occurred and it’s too late.”
Iba’t ibang uri ng pakikibaka. Gaano man ang ngitngit na kinimkim ko kagabi, hindi maikukumpara sa kanyang binabata.
He’s a beacon.
At para matapos na ang yugtong ito, ipinagdadasal kong tulungan akong maiba ang pagtugon nang maiba ang bunga.
I will persevere. Overcome gloom. Not be mad. Endure. Be patient. Increase tolerance. Learn to forgive and overlook offences. Look at the bright side. Count my blessings.
So help me, God.
No comments:
Post a Comment