December 31, 2010

Hindi nakaabot ang Chinese Visa...

...para sa flight namin kanina. January 3 pa raw pwedeng i-claim.

At parang pansumandaling nagunaw ang mundo ko. (Exaggerated) Ano na kaya ang gagawin namin ni Dondon? Nakiusap ako at nagmakaawa sa Embassy Officer pero hindi nya ako pinakinggan. I-rebook ko na lang daw ang flight.

Naiyak ako sa CR sa sama ng loob.

Sana may kaunting konsiderasyon man lang sila. Mali-mali ang impormasyong nakalagay sa website nila e. Ano ba naman yan. Naku talaga. Ewan lang.

Sinubukan kong mag-rebook ng flight. Grabe ang aabutin ng gastos namin sa airfare pa lang! Katumbas na ng budget ko sa buong tour naming magkapatid para sa limang araw sa Tsina. My gulay, hindi ko naman kaya ‘yon. Sobrang luho na no’n. Pambili na ng 2nd hand car 'yon!

Kaya, hindi kami natuloy. Tinatanong ako ni Dondon kanina kung ano na ang plano. Hindi ako makasagot kasi hindi ko pa alam. Ano nga ba ang gagawin naming ngayong Bagong Taon? At sa birthday nya.

(Ma, Pa, I need you.)

Gaya ng nagdaang mga okasyon, nagpupumilit akong maging optimistic. God is in control and this is His will. Accept it. Be happy in all circumstance. Hindi dapat sisihin ang sarili sapagkat ginawa mo ang lahat ng magagawa mo. Huwag mo na ring sisihin ang Embassy Officer at ang website ng embahada. (Matuto na lang sa leksyon na, umiwas sa maagang pagbu-book ng flight sa mga bansang nangangailangan ng visa. HK, Macau, Laos, Myanmar at Malaysia ka na lang pwede kung ayaw mo nang umulit sa mga bansang napuntahan mo na. Har! Har!)

Ayun na nga. Ano bang magandang nangyari kanina?

Hmm…

Ah! Naihabol namin ang submission sa DTI ng aming P1M project para sa mga mangingisda ng Taguig. Malaking tulong sa kabuhayan iyon ng mga taga-Taguig. Dapat ma-excite s aproject na ito na tatagal hanggang Oktubre, 2011. At, masaya kaming nag-mall, kumain sa labas, nag-Timezone at nanood ng sine ni Dondon!!! (Na-miss ko naman si ate. Ito ang mga ginagawa naming magkakapatid.)

Anyways, ayun nga. Timezone. Nag-basketball kami ni Dondon. At siyempre, palagi s’yang panalo sa akin. Hahaha. In fairness, kahit hindi naman ako talaga nagba-basketball, hindi naman nagkakalayo ang score namin ;) Magaling ang PE teacher ko. Hehehe… Enjoy din ang pagmo-motor sa arcade. At siyempre, masaya ring laruin ang paborito kong bowling.

Tsaka, nakakatawa Ang Tanging Ina. Love ko na si Ai Ai delas Alas. Hehehe…Mas maganda s'ya kaysa sa Enteng Kabisote. Sa totoo lang, gusto ko syang panoorin ulit. Maingay kasi ang mga katabi ko kaya medyo hassle. (Hehe, arte ko. Or nanibago lang kasi ngayon lang yata ako ulit nanood ng Pinoy movie na halos puno ng tao ang sinehan. Successful ang MMFF!)

Mga simpleng kasiyahan ng buhay! Susulitin ko na ang ganitong mga pagkakataon. Baka matuloy na ako ngayong Oktubre sa UK at hindi ko alam kung hanggang kailan ko makakasama sa arcade at sa panonood ng sine si Dondon.

Love ko si Dondon!

Saan ko kaya s’ya dadalhin sa birthday n’ya?

Binata na ang bunso namin.

No comments: