May 29, 2011

"Sometimes in the winds of change we find our true direction."

Nakita ko ng quote sa link na pinadala ni Tita Lydia, isa sa aming Board of Director sa Zonta Club at dating Assistant Secretary ng DOST at dai-dai-dai-sempai (mumbusho scholar, Todai yata). nakisakay ako sa kotse n'ya minsan pagkatapos ng meeting namin sa Club Filipino. Papunta kaming Serendra no'n para kitain si Mayor. Nakapag-kwentuhan kami ng kaunti. Matandang dalaga siya. Bakit kaya gano'n? Bakit parang ayoko namang tumandang dalaga?

Pinag-iisipan ko pa rin nang mahusay ngayon kung ano talaga ang balak ng Diyos sa akin. Sa totoo lang, ipinaubaya ko na lahat sa kanya. Hindi na ako masyadong nag-aalala ngayon. Mas tahimik, mas kalmado (i would like to think) at lalong naging madasalin.

Ano na nga ba ang mga nangyari, paulit-ulit kong sinasariwa sa isip ko. 32 years. Saan na nga ba ako dadalhin ng tadhana?

Hindi ko ma-imagine ang buhay kong malayo sa Diyos. Pero mataimtim ko pa ring pinagninilayan at ipinagdadasal kung tinatawag nga talaga akong mag-madre. Iniisip kong magagawa ko lang ang mga responsibilidad sa kumbento kung kaloob ng Diyos ang ganoong bokasyon para sa akin.

Hindi ko alam pero matimbang pa rin ang pag-aaral ko sana ngayong Setyembre. Ayokong isiping ambisyon ang nagtutulak sa akin. Kung magkagayon, hindi ako magtatagumpay. O kung makuha ko man ang gusto ko, hindi rin ako magiging masaya. Kaya ipinagdadasal ko na lang ito talaga. Mangyayari ang mangyayari.

Sa ngayon, trabaho, bahay, simbahan lang muna ang ruta ko. Paminsan-minsang nadadaan sa mall. Pero mas dahilan ko pa ang mga kapatid ko--bonding moment namin ang mag-grocery,shopping, kumain s resto at manood ng sine.

Masaya naman ang buhay, simple at payapa. Wala kaming masyadong inaalala. Natutuwa ako't masigasig na nag-aaral ulit si dondon. Si ate naman, bumalik na mula Qatar. Sana makabalik na siya ulit sa greenwich. Kapag nagtagal, sigurado akong mabuburyong 'yon.

Basta... alam ko, may plano ang Diyos. At ang Diyos ay marunong sa lahat.

May iba nang kahulugan sa akin ang Jer. 29:11.

Masaya ako. Salamat sa Diyos.

No comments: