Lord, umaasa talaga ako :)
Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa akin. Wala naman sa plano ko ang magsimba kanina. Magpapa-laser lang sana ako at bibili ng gift at kaunting grocery. Kaso, binuyo ako'ng magsimba. Nakakatuwa, tugma na naman ang mensahe sa akin. Magaling si father. Kinuwento pa ang biography nya. Ulila, walang nanay at tatay na tatakbuhan, gaya ko. At ang kanyang lolo at lola ay hindi pa sang-ayon sa bokasyon nya. Pero, sa mga yugtong kinakailangan n'yang magpasya, napuspos s'ya ng milagro. Hindi s'ya pinabayaan ng Diyos. He has found his home na raw, finally sa kanyang bokasyon.
Inugnay n'ya naman ang mga iyon sa Gospel reading. Huwag daw mag-alala kapag tayo ay nasa crossroads. We should trust in the goodness of the Lord and pray for guidance by the Holy Spirit. His grace is sufficient.
Kaya, ngayong ako'y nasa crossroads, I trust that God is guiding me kaya hindi ako maliligaw ng landas. And the Lord will provide. Nothing to worry about.
"It's time for us to make our dreams come true."
Praise be to God!
No comments:
Post a Comment