April 03, 2012

nasabi kong

baka galit sa akin ang Diyos dahil hindi Niya ibinibigay sa akin ang mga gusto ko. I still receive the Sacrament everyday pero tatlong araw na akong hindi nakaka-attend sa aming appointment ni Lord. Mahigit isang buwan na rin akong hindi nakakadalaw sa ICA. O two months na yata. Nami-miss na ako ni Sr Cris.

Nakakatuwa, ang dating iniiwasan ko e, nag-tyaga. Nakaka-uplift ang message nya. Nakakatawa dahil sa lahat ng tao, siya lang ang nasabihan ko. Hindi naman ako nagkamali sa pagtitiwala.

"May tamang panahon kung kailan ibibigay sa atin ang lahat ng kailangan natin. Basta magtiwala lang tayo kay Lord. Baka kaya hindi ibinibigay sa iyo, hindi para sa iyo 'yon, o baka may nakikita pa si Lord na mas maganda. Huwag kang mag-alala, palagi kang kasama sa prayer ko."

Reassuring, di ba? Dinagdag pa n'ya:

"Ang Diyos na nagbibigay sa atin ng pag-asa ang magkaloob nawa sa atin ng kagalakan at kapayapaan sa pananalig upang sumagana tayo sa pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo."

Tamang-tama. No'ng pauwi ako sakay ng jeep, hindi ko alam, ang bigat talaga ng pakiramdam ko. This has been going on for a week now, actually. Hindi ko maintindihan. What's the Lord telling me kaya? Kahapon, mas malala pa. Timing talaga ang messages n'ya.

Kaninang umaga naman:

"God promised that there would be no situation in our life that is beyond what we can bear. We can't be called victorious if we have no battles to fight. Neither can we be called conquerors if we have nothing to conquer. Surely, the arm of the Lord is not too short to save, nor His ear too dull to hear."

He was quoting the prophet Isaiah. When I checked the book, I read this passage:

"Be comforted, my people, be strengthened, says your God. Speak to the heart of Jerusalem, proclaim to her that her time of bondage is at an end, that her guilt has been paid for, that from the hand of Yahweh she has received double punishment for all her iniquity."

Napansin ko, ang readings kapag Advent at Lent ay halaw sa Isaiah. Hindi ko alam eksakto kung bakit at kung gaano ang significance nya. Dati Ecclesiastes ang paborito kong basahin. Ngayon, bukod sa mga letters ni St Paul, gusto ko na ring pagtuunan si Isaiah. Hehe...

About the "text messenger," dati ko s'yang iniiwasan. Ngayon, kinikilala at nagpapasalamat ako sa "tulong" na binibigay n'ya sa akin.

Ang galing.

I guess I will just have to endure this phase. Magiging malinaw rin ang lahat sa tamang panahon.

Praise be to God!






No comments: