January 13, 2012

women in difficult circumstances

kahapon ay naiyak ako sa balita tungkol sa 13yr old na batang babaeng ni-rape ng security guard. at kinuhaan pa ng video ang panghahalay at ginamit iyon para takutin ang bata upang hindi magsumbong sa magulang at sa pulis.

grabe, first year high school lang iyong biktima. sobrang trauma naman at distress iyon. hindi ko ma-imagine kung kakayanin ko iyon, kung sa akin nangyari.

isang taong tumagal ang pangba-blackmail ng guard hanggang hindi na nakayanan ng bata at nagsabi na rin sa nanay n'ya.

hindi naman kinaila ng guard ang ginawa nya. ang depensa- girl friend daw nya ang bata at handa syang pakasalan ito.

naku po naman!

hindi ko ma-imagine kung kakayaning mabuhay ng batang iyon sa lalaking nang-abuso sa kanya.

:'(


iniisip kong marami rin akong pinagdaanan sa buhay. pero nagpapasalamat pa rin ako't hindi ko dinanas ang sinapit ng batang 'yon. nakakabuwang iyon.

let us pray for her and all women in difficult circumstances.

sana ay magawa na rin ang halfway house sa taguig.

amen.

No comments: