Malaking bahagdan ng mga migranteng nandito sa japan ang mga pinoy. Gaya ng alam ng lahat, karamihan ay nasa entertainment industry. Igala n’yo na ang mga imahinasyon n’yo kung anong klaseng trabaho ang kinasasadlakan nila.
Babae ako at nasa japan. Hindi bibihirang pag-isipan akong nasa ganon ding larangan. Hindi ko ikinakahiya ang mga pinay rito- kahit pa ‘iyon na nga’ ang trabaho nila. Pero hindi ko rin naman jina-justify ang gano’ng gawain.
Mahirap ipaliwanag. Pero nagawa ko yata, nang dahil sa merlot wine. Haha.
May isang Hapong mahusay managalog- si Nori san. Taga-Kyoto (malapit lang sa apartment namin ang bahay) at nag-aaral sa Osaka Gaidai. (sa mga nakakakilala: naging titser n’ya raw si Sir Roland.) Naitanong ko sa kanya no’ng welcome party ng mga bagong fellows kung bakit matapos kong maka-adapt sa banyagang kultura ng Japan, at saka ko pa naramdaman ang diskriminasyon.
Nagulat s’ya. Hindi alam kung ano’ng isasagot sa akin. Haha. Hindi ko s’ya masisi. Baka guilty s’ya- kahit pa madalas namin s’yang kasama. (oops, masama na naman ang iniisip ko) Anyways, sinabi ko na lang na sa mga pinoy na nakilala mo, wala ba silang nababanggit na mga pagkakataong nadi-discriminate sila?
Hindi s’ya naka-recover agad. Para s’yang hinambalos at di agad nakatayo. Pumipiyok pang sumagot na ang karaniwan daw na reklamo ay ang kawalan ng kaalaman sa lenggwahe. Paano ba naman, pambata talaga ang itinuturo sa aming Nihongo. Ang level ko ay elementary 2. Hehehe. Haggard di ba? Yun nga. Illiterate kami rito. In fairness, relatively speaking, mas abante pa ang lebel ko kumpara sa ibang fellows. Lalo na kung ikukumpara sa mga taga-mekong river basin countries. (Pero hindi pa rin makagagap ng normal na conversation. Malaki pa ang kakulangan.)
Okay. Unang base ‘yon sa lahat ng interaksyon. Language. Napakahalaga. Kadalasan sukatan ng intellect at pag-unawa. Unang hakbang sa lahat ng pakikipag-relasyon ang komunikasyon. Hindi ko alam pero sa tingin ko hindi gano’n kalaking usapin ang language. Ano bang inaasahan nila? Maging kasing-fluent nila kami sa Nihongo with a few months of intensive Nihongo class? ‘Yung mga tumanda na siguro rito ang dapat lang na makaalam ng salita. ‘Yung mga ilang buwan lang ang ilalagi, okay lang ang mga basics- just to get by, ‘ika nga.
Ang pinupunto ko ay ang perception ng mga Hapon sa mga Pinoy. No’ng una kong maka-usap ang ConGen ng Pinas sa Osaka, sinabi n’ya na ito ang una n’yang hangarin: baguhin ang perception sa mga Pilipino sa japan. Mababaw, di ba? Hindi ako sang-ayon na iyon ang pangunahin n’yang tungkulin.
Pero babae ako, ramdam ko ang pang-aalipusta. Hindi lang miminsang pagkakataong nagbago ang hitsura ng Hapon kapag binabanggit ko kung saang bansa ako nanggaling.
Pasalamat ako’t estudyante ako- nasa ibang antas? Hindi ko alam. Nakakasalamuha ko tuwing Linggo ang mga ‘nanay’- ‘yung mga nakapag-asawa ng Hapon. At karaniwan sa kanila ay galing ‘doon.’ (At maraming parishioners na Linggo lang ang pahinga. Tulog tuwing umaga, mula lunes hanggang sabado. Sa gabi ang trabaho. Sila na nga. Ang punong gitarista sa koro ng simbahan ay ‘mama san.’ Ang mga talents ang taga-kanta.)
Baka ako lang ‘to pero I feel for them. Pakiramdam ko ‘yung mga taong nakakasalamuha ko ang object ng diskriminasyon. At ako rin mismo, bilang pinoy. Bilang babae. Hindi ko kailangang ihiwalay ang sarili ko sa kanila dahil iba ang layon ngpagpunta ko rito. Kahit pa sa hanay ng ibang mga estudyante- exclusive ang grupo ng mga estudyante- naka-aangat. Argh! Iisang lahi na nga, may pagtatangi pa!
Sabi ni Nori san, totoong ‘hindi mataas’ ang pagtingin sa mga Pilipino ng mga Hapon sa pangkalahatan dahil nga sa klase ng trabaho nila rito.
Sa kanya nanggaling. Mapili s’ya sa salita, maingat dahil ako naman ang naghuhusga.
Kasabay ko s’ya pag-uwi. Hindi na s’ya sumama sa karaoke dahil hindi raw ako sumama. Naku, sya pa naman ang palaging pang-finale- sabi nila. (Hindi ko pa s’ya nakasamang mag-karaoke. Palagi akong may excuse na ‘may kailangan akong i-submit na paper. Blah. Blah. At sabi n’ya, madalas ko raw yatang gamitin ‘yong excuse. Hahaha.)
Kung ano man.
Yun nga. Pauwi, ang daldal ko siguro. Ito ang problema ko sa alkohol: maalwan kong nasasabi ang mga nasasaisip ko. Policy science ang major ko. Interesado ako sa affairs ng gobyerno. Ikinakahiya ko ang pulitika, pulitiko at pamamahala ng bansa ko. Mabuti ang Japan, umunlad agad matapos ang WW2. Ano bang kamalasan at kawalanghiyaan ang ginawa ng mga magulang namin at bakit hindi natularan ang ehemplo ng baby boomers ng Japan?
Tamad ba kami? Tanga ba kami? Ganid ba kami? Makasarili? O labis na mapagpatawad? Walang ambisyon? Masyadong relihiyoso? Bakit kami mahirap? At pinagsasamantalahan?
Ang mga Pinay na nandito? Bayani ba? O kailangan nila ng re-edukasyon at repormasyong moral? Walang mapaglagyan.
Tatlumpong porsyento ng populasyon ng pilipinas (mga naiwan) ay gusto nang mangibang-bayan. (walong milyon na ang nasa ibang bansa- 10% ng populasyon!) Kung may disenteng trabaho lang sana sa Pinas at magandang bukas…
Wala na ngang matakbuhan ang mga Pilipino. Kahit dito, (o lalo na rito) pressured ang mga kalahi kong mag-perform, kabilang ako. (Alam n’yo na ang ibig kong sabihin).
Ang mga Pinoy, kay laki ng isinakripisyo. Patawa-tawa lang yan. Ginagawang biro ang lahat ng bagay. Magaling sumayaw, kumendeng, gumiling. Talagang talented. Magaling kumanta. Malakas humiyaw. Magaling umarte. Mapagpanggap.
Inaagasan.
Sa Oct 15, sasayaw kami ng ‘Bebot’ sa Kyodai para i-represent ang Filipino Community.
Dito lang ako mapapasayaw sa publiko. Dito lang sa japan.
^sinulat ko last year
kakatuwa kung paano magbago ang pananaw ng isang tao sa isang bagay sa maikling panahon
malaking tulong ang maraming oras ng pag-iisa at pagmumuni-muni
at mangilan-ngilang interaksyon sa mga kauri (ano man ang pamantayan)
hindi ako nakasama sa pagsayaw ng bebot
pero bumawi ako sa rits bkc sa mga kaibigang fellows na nagturo ng sayaw
sinamahan ko silang umindak sa "follow the leader"
my gulay-- mas malaking dosage ng lakas ng loob at kapal ng apog ang kinailangan ko para magawa 'yon. sa huli't huli, sulit rin naman. may maikukwento na ako sa mga magiging anak ko. at kayraming aral.
ang mga viets, palaging national dance ang ipinapamalas sa mga cultural festivals. ang mga uzbeks- nag-one man show. may natatanging talented sa pagsayaw- siya ang palaging pambato. at mag-isa siyang nagpe-perform. ganon din ang indonesians- isa lang ang sumayaw. pinoy lang ang sumayaw ng grupo. at ang husay ng ipinakita (hindi sa pagbubuhat ng sariling bangko) na-engganyo ang lahat na sumayaw rin!
sa ibaba ang video noong napa-agang independence day celebration sa nishijin church
hindi lang mga pinay ang sumayaw ng itik-itik- mayroon kaming adopted austrian friend na nakisalo sa pag-indak. kung hindi lang mapusyaw ang kulay niya, hindi malayong mapagkamalan siyang certified OPA. haha.
in fairness, wala na akong angas sa pagsayaw-sayaw ngayon
keri ko na. sayang nga lang at tapos na ang programa ko. balak ko na sanang karirin ang pag-singkil, tinikling, pandanggo o habanera.
panoorin nyo naman ang mga videos sa taas- mainam naman, di ba? konting effort lang yan, yakang-yaka yan ng mga pinoy sa kyoto.
6 comments:
hinahanap kita sa mga nagsasayaw... wala ka. naka-leave ka ba? ah oo na pala... madrigal dancer ka nga pala hindi bayanihan. ehehehe. mishu na novs!
hahaha
oo nga e
sayang ang exposure opportunity, di ba?
gusto ko sanang i-suggest ang aking monkey dance kaya lang nakapag-decide na silang mag-itik itik
tsk. next time, aagapan ko na :P
hehe
mishu2
lapit na ko umuwi!!!
yihee!!!
Uyyyy... Kaya pala ang mga posts mo sunod-sunod na sayaw. Hihihi!
I'm going to miss you.
Labas tayo bago ka umalis. Karaoke tayo!!!
surely, let us.
gonna miss you, too.
ain't gone
yet
i'm all melancholic
already
darn.
bakit wala ka dun? nag-import pala tuloy ng dayuhan. hahaha! uwi na... kahit mainit dito... may malamig na beer na nakapangalan na sa iyo at kay jose... kahit mahirap dito at least andun yung drive to make things better... ibang nova na ang titingin sa mga bagay-bagay ngayon. =)
haha. truly. kampay!!!
Post a Comment