November 29, 2010

pure, humble and contrite hearts

...d'yan daw nananahan si Hesus. Ngayong panahon ng advent, 'yan daw sana ang layunin ng mga deboto. Nang manahan sa ating mga puso si Hesus.

Ang kwento ni Father (nakalimutan ko na naman ang pangalan, pero mula sa Archdiocese ng Cubao) ay tungkol sa taxi driver na muntik nang mabangga nang i-cut ng isang SUV. Pinagmumura daw sya sa galit ng driver ng SUV. Hindi naman pumatol si texi driver. Sa halip, kumaway lamang, ngumiti at ipinalanging maging ligtas ang sarili at ang driver ng SUV. Nagulat ang sakay nitong pasahero at nagtanong kung paano raw nya nagawang tumawa pa. Ni hindi man lang nainis sa driver ng SUV.

Ang sagot ng taxi driver- basura raw ang laman ng puso ng SUV driver na itinatapon sa kanya. Ayaw nya raw iyong saluhin at ipasa naman sa kung sino pa. Kaya, ngumiti na lang sya't nanalangin at kumaway.

Panata ni Father na pigilan ang sarili niyang magalit o mairita ngayong panahon ng adbyento.

Magawa ko rin kaya 'yun?

Sabi sa isang teaching sa kerygma, healing starts when one recognizes his infirmity. Okay. Positibong simula ito.

Kung sa bagay, first time kong gagawing goal ito. Siguro nga may patutunguhan.

No comments: