December 05, 2010

LOYALTY WEEK

Natapos din.

Walanjo, grabeng stress ang inabot ko para mairaos itong event na ito. Kahit wala nang panahon para mag-prepare (2days lang para sa isang linggong activity), maganda naman ang kinalabasan.

Bilib ako sa mga estudyante at sa faculty- very cooperative. Isang malaking achievement ito para sa akin kasi hindi naman ako gamay sa ganitong mga gawain. Na-inspire lang din ako sa mga bata. Unang pagkakataon para sa kanilang makapag-daos ng ganitong activity sa eskwelahan. Salamat sa lahat ng nakiisa at nag-sakripisyo.

Marami akong natutunan dito. Sa mga oras talaga ng kagipitan lilitaw ang karakter ng tao.

Nalulungkot ako sa mga taong nag-hugas kamay at nag-disown sa project noong panahon ng kaguluhan. Sayang, hindi sila nakasama sa moment of triumph. Iyong mga dahilan ng pag-alis nila (unwillingness to sacrifice, or baka iyong fear na baka mag-flop- or baka talagang hindi na lang nila kaya) ang siya ring nagbigay sa amin ng kaligayahan (niyakap at di tinalikuran ang responsibilidad kahit kailangan ng malaking sakripisyo, hinarap ang takot, pinilit na maigpawan ang mga balakid at kahinaan). Bukod pa rito, naging opportunity iyon para mag-grow kami (esp. in patience and understanding).

Sobra, madalas naiiyak na lang talaga kami ni queennie at ni pat.

Pero ayos lang. All worth it.

1 comment:

kirin post said...

the best people to work with are those whose guiding principles are to perpetually ask how they could contribute. sobrang humble. ang gaang kasama. parang may perpetual sign sa mga forehead nilang "we are a team, let's work together"

i love them. sama-sama kaming ginabi't inumaga sa trabaho. at walang nag-reklamo. kung may mga hinaing man sa ibang tao, sinasabi para lang maihinga, hindi para manira.

sana ma-appreciate din ng ibang tao ang value nila sa team.

they are priceless.

they would be my friends for life.

:)