bago umuwi ay nag-anticipated mass na ako kay padre pio. malakas ang pakiramdam kong hindi ko na kayang ulitin ang pagbangon ng gano'n kaaga e.
kailangan kong makumpleto ang siyam na araw na simba. naniniguro lang :P
sabi nila, natutupad daw ang wish ng mga nakaka-kumpleto. alam ko, naka0kumpleto na ko e. 2 years na, kung di ako nagkakamali. nagka-totoo na rin siguro ang wish ko, hindi ko lang matandaan. hahaha. tama ba 'un?
kung ano man, basta masaya akong nadi-disiplina ko ang sarili ko sa ganitong mga debosyon. mas matimbang ang karagdagang spiritual renewal and strengthening of faith.
***
sa Imaculada Concepcion sa Pasig ang unang misa ko. wala lang. naalala ko si mama. we used to attend mass there together. long, long time ago. nami-miss ko na naman siya.
si mama ang nagturo sa aking magdasal. at a young age of 9, pina-memorya nya sa akin ang "Aba Ginoong Maria," "Ama Namin," "Sumasampalataya..." at "Luwalhati."
Ang tagal ko nang hindi nakakarinig ng mga dasal na 'yon sa tagalog. kaninang umaga na lang ulit. nakaka-miss. ang husay rin ng homily sa pasig kanina. purong tagalog si father. ang sarap sa tainga.
masaya akong nasa pilipinas ako ngayong pasko.
kulang lang si ate.
sana makasama ko rin si dondon sa simbang gabi. ito ang aking samo't dalangin sa pangalan ni Hesus, amen.
No comments:
Post a Comment