isang oras pala akong naglakad ngayong araw. Hay, kapagod! Para akong lalagnatin.
Ang hirap mag-abang ng sasakyan, halos kalahating oras ako sa bawat istasyon. Maigi na ngang maglakad kaysa umabot pa ako ng isang oras o mahigit na naghihintay sa wala. Sayang ang oras. Ang dami ko pang kailangang gawin.
Nami-miss ko na talaga si Consuelo. Ngayon! Ngayong panahon ng kapaskuhan ang rurok ng kahirapan sa pagbyahe. Bakit ngayon pa s’ya nawala? Hehe, emote. Iniisip ko na lang, salamat at may physical activity na ako. Makakatulong ito sa pagbabawas ko ng timbang. Pero sa totoo lang, para akong magkakasakit pagkauwi ko sa bahay. Sana hindi tumuloy, marami pang mga dapat i-submit bago magtapos ang taon. Salamat na lang at ipinagluto ako ni Dondon ng masarap na ulam.
Isa pang kasiyahan. Kanina, natuwa ako sa aking kasama. Sino ba naman ang makakausap mo tungkol sa mga birtud sa panahon ngayon? Hindi sya pari. Babae. Nakakatuwa, kasi mas bata pa sa akin. Beinte y cuatro aƱos. Ipinagmamalaki n’ya sa akin ang kanyang virtue: pagtitimpi.
Mahusay! Kailangan ko ‘yan. Kahinaan ko talaga ‘yan- bigla na lang akong sumasambulat e. Hindi kasi ako nagsasalita tungkol sa mga bagay-bagay madalas. Naiipon. Tapos biglang nage-explode. Kapag nagrereklamo ako kay ate, palagi n’ya akong pinapaalalahanan na magsabi, magsabi. Pero hindi ko ginagawa. Ngayon, inuunti-unti ko talagang magbago. Masaya dahil may pinatutunguhan naman.
Gaano pa kaya ang itatagal ng buhay ko? Sana sumapat iyon para ma-develop ko pa ang pitong birtud na itinuturo ng katekismong Katoliko.
No comments:
Post a Comment