kumain ng masarap na noodles sa dong bei, bumili ng siopao, hopya at tablea sa salazar.
mainit na tsokolate ang almusal at tanghalian ko kanina. at saka suman na dala ni tita miling kagabi.
ang kwento ni tita miling, noong nov 2 daw ng 1972, lumuwas din sya ng maynila bitbit ang maraming suman kasama niya si mama.
ipinasok sya ni mama sa crispa para manahi. iyon na ang naging hanapbuhay niya hanggang mag-retiro sya.
No comments:
Post a Comment