May kaso sana ako kagabi at seryoso kong pinag-isipan kung magsasampa ako ng reklamo. Sa harap ng apat na klaseng pasta dishes at ng isang pinoy na kapwa scholar (sempai), dalawang oras kong pinagdusahan ang pang-aabusong berbal.
Hindi ko alam kung gaano ka sinsero ang mga nasa kabilang lamesang pilit nagbubuyong maari akong tumakbo palabas, maghanap ng kakampi at ibitin nang patiwarik ang abusadong lalaking naghahanap ng outlet sa kanyang pagkatigang. Mataman akong naninimbang.
Bawat kilos ko’y punado at laging may kaakibat na birong sekswal. Hindi ko alam kung anong saya ang nahihita n’ya sa mga berdeng biro at kung paanong natatawa ang lahat maliban sa taong tinutukoy.
Hindi ba maaaring humanap ng ibang mapagkakatuwaan at matutong gumalang sa kung anumang pagpapahalaga ng tao sa moralidad, sekswalidad, tamang kilos at asal?
Tunay nga, samu’t sari ang pananaw ng tao at pinili kong ‘sikilin’ ang sarili ko. Sa desisyon kong magpataw ng mataas na pamantayan sa sarili, hindi ko inisip na tatapakan ako ng inaasahang nakakaunawa sa iba’t ibang pagpapahalaga. Iginalang ko s’ya.
Haay… Ang maging babae!
Pinalampas ko ang gabing ‘yon. Ang maulit pa’y labis na.
At namayani ang mala-piyestang pagdiriwang ng kaarawan. Nakaalpas ang may-sala.
2 comments:
dati siguro sasabihin kong ituro mo sa akin yang hayup na yan at bubugbugin ko. i guess next time he does that to you, you can calmly say that you don't appreciate his jokes, and that you feel harassed by it. then say nothing more. i often find that keeping your statements short can be more effective than kicking balls. mas satisfying lang yung huling option na nabanggit.
anyway, share ko lang sa iyo yung devotion ko kaninang morning. akma siguro sa ganitong sitwasyon...
james 2:17 "but the wisdom which is from heaven is first holy, then gentle, readily giving way in argument, full of peace and mercy and good works, not doubting, not seeming other than it is..."
salamat pao- aking tagapagtanggol. hehe
kung noong mas bata ako, malamang may paglalagyan s'ya. ayokong isipin na habang nagkaka-edad tayo, mas naabuso. (paurong ba 'yon?) pero siguro mas nanaig na lang 'yung konsiderasyon sa kanya. ga-graduate na kasi siya't ayoko na ring bigyan ng problema. maganda rin naman ang pinakitungo n'ya dati. huwag na lang n'yang ulitin.
salamat din sa passage. amen.
GB :)
Post a Comment