April 20, 2008

RETRO GROOVE

Hindi ko nakuha ang pangalan ng instructor namin kahapon- ang aking bendisyon sa retro groove. Jist in time ang beauty ko. Saktong sakto para sa unang sayaw ang pasok ko sa group exercise room. Sinunggaban ko na agad ang natitirang espasyo sa may likuran. Aba, dalawang lingo ko ring pinagnanasaang um-attend sa dance class na ito.

Ano ba ang tugtog, hindi ko na maalala. Papaano ba naman, nagsusumiksik ang lugar sa mga estudyante. At tulad ko, mukhang ang dance lesson lang pinunta sa fitness first. Halos lahat sila ay mga regulars. For that kabisado na nila nag mga steps.

Sapaw. Proud na proud pa man din ako sa aking dancing skills. But no, tumaob ako sa mga classmates ko doon. Talbog ako sa pilantik ng kamay at kembot ng bewang. Hahaha. Mga lalaki halos ang nasa unahan. Hindi ko lang sure kung veklavu sila. Hahaha. Lalaki rin ang instructor.

Grabe, wala akong kiyeme sa pagsunod sa dance steps. Sa umpisa lang palagi akong nangangapa. Mabuti na lang medyo familiar ako sa steps ng ibang mga kanta kaya nakaka-catch up din. Ang sarap sabayan ng “a rico mambo” at “lick it” at “heto na naman” at “footloose” at “september.”

Yes, po. I confess, sinasabayan ko ang mga dancers ng ASAP at SOP tuwing lingo pagkatapos naming mananghalian. Praktisado po ako. Haha. Hindi magpapahuli sa sayawan. Mahiyain lang ako pero I’m a dancer at heart. :P

Second time ko ngayong araw. At hanggang sa pag-uwi, feel na feel ko pa rin ang mga flips and turns and grinds. Ayus!

Babae ang instructor kanina, si Girlie.

2 comments:

Anonymous said...

nagpakitang-gilas ka ba kay girlie? dapat lang malaman niyang hindi nagpapatalbog ang mga gaya nating members ng madrigal dancers.

kirin post said...

sabi niya sa akin pagkatapos ng lesson: "first time mo, no?" hahahaha