September 16, 2008

Ganglion Cyst

Ayos! Nawala na rin, sa wakas! Napatanggal ko na ang maumbok na ganglion cyst sa likod ng aking kaliwang kamay. Ang ganglion cyst ay tumor or swelling on top of a joint or sa covering ng tendon. Halos dalawang taon ko rin itong binitbit. Dati napansin kong parang maydepression sa kamay na unti-unting umuumbok at lumalaki. Hanggang sobrang prominente na niya’t hindi na maitago. Dapat na talagang kalusin.


Kaya hayun, nagpa-schedule na nga ako ng operasyon. Mag-isa lang akong nagpunta sa ospital. Nasa Naga kasi si Ate at puyat naman si bunso galingsa trabaho. Hindi ko na siya inabala.

Ala-una ang schedule ko. Nagsimula ang operasyon ng 1:30 n. h. Natapos naman nang maalwan after 40 minutes. Alas tres, nasa bahay na ko.

Asteeg! Second time under the knife. Una, onse anyos pa lang ako. Appendectomy naman. Si Papa ang nagbantay sa akin. Medyo mas mahirap un. Major operation kasi. Itong huli, minor lang. mga one inch long lang tahi- 3 stitches.

May malay ako no’ng inooperahan. May anaesthesia at iyong pagturok lang ang naramdaman kong kirot. Parang kagat lang ng langgam.

The cause of ganglion cysts is not known. One theory suggests that trauma causes the tissue of the joint to break down forming small cysts, which then join into a larger, more obvious mass.

Trauma: Any injury, whether physically or emotionally inflicted. "Trauma" has both a medical and a psychiatric definition. Medically, "trauma" refers to a serious or critical bodily injury, wound, or shock.

2 comments:

Anonymous said...

hi pwede magtanong san po kayo nagpa tanggal ng ganglion cyst and how much ? thanks

kirin post said...

sa medical city sa ortigas. 8k lang inabot lahat na 'yun ;)